SECOND HAND {PART 11 BATIS NG GINTO)
Sa kanyang pagtatanong-tanong tungkol sa tunay na pagkatao ni Rey ay nakilala nya si Thelma. Ang byudang guro sa isla..
Parang hinila ako ng antok habang hawak-hawak ko ang bungkos ng susi na nasa secret pocket ng maleta. Saglit na nagdilim ang aking paningin. At nang magmulat ako ng mga mata ay parang nasa ibang daigdig na ako, kung saan ay nakikita ko sila, pero hindi nila ako nakikita. Nakikita ko at napapakinggan sila, at hindi nila ako nakikita at naririnig.
At nakita ko si Rey at si Inday na nag-uusap sa loob ng isang kweba.
“May ginto dito sa isla, “ sabi ni Rey kay Inday, “ang kwebang ito ang nag-uugnay sa gold veins dito sa Mt. Guiting-guiting.”
Malinaw sa akin ang pangitaing iyon. Ang lihim na kweba sa paanan ng talon. Ang malinaw na tubig ng ilog na binabagsakan ng tubig. Ang mga kakaibang ibon na nagliliparan sa napakadawag na kagubatan.
“Rey, tingnan mo ang nakuha ko!” narinig ko ang tuwang-tuwang boses ni Inday. At nakita ko silang dalawa ni Rey na nasa loob ng kweba na naglalagos ang malinaw na tubig ng isang ilog.
“Purong ginto ang mga inggots na ito,” sabi ni Rey.
“At halos mapuno na ang dalawang garapon ko ng mga gintong buhangin na...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





