TOROTOT
Nagpagawa sila ng paupahang bachelor’s pad sa basement ng townhouse nila. At hindi nya iniisip na ang bachelor’s pad na ito ang magsisilbing pugad ng kataksilan ng kanyang asawa.
Parang napakasarap sa pakiramdam pag iniisip ko ito. Makaraan ang sampung taon ng pag-iimpok at pagsusumikap, heto at makakalipat na kami sa aming dream house.
“Masaya ka ba?” Bulong ko kay Joan.
Kapwa kami kabilang sa tinatawag na ‘millineals’. Kami ay kabilang sa mga working couples na magkatuwang na binuo ang aming mga pangarap matapos kaming ikasal. Tapos ako ng Engineering at Banking and Finance naman ang tinapos ni Joan.
Pinagmamasdan ko ang aking asawa habang aligaga kami sa pagbababa ng aming mga gamit. Nauna ng ibinaba ng lipat-bahay na inarkila namin ang aming mga gamit noon pang isang araw. Dalawang palapag na 75 square meters ang townhouse na nabili namin dito sa New Manila, sa Quezon City, Bale tatlong palapag ito na may ganon ding kaluwag na basement.
Maliit lang si Joan. Nasa limang talampakan lang ang taas niya. Mahaba ang itim na itim na bu...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





